IBINABA ng korte ang sentensiya ng isang kababayang Pilipino sa kasong drug conviction trafficking subalit ito ay makukulong ng 12 taon.
Napaluha ito sa galak matapos bawiin ng korte ang kaniyang death sentence nitong Martes, Setyembre 12.
Hinatulan ng death penalty si Hairun Jalmani sa Tawau High Court noong Oktubre 15, 2021.
Matatandaang nag-viral sa mga social network ang video ng Pinay, na nagtra-trabaho bilang fish vendor nang marinig nito ang hatol na kamatayan na naging sanhi ng matinding debate sa mga karapatan ng mga kababaihan at parusang kamatayan.
Si Jalmani ay naaretso matapos mahulihan ng 113.9g ng methamphetamine noong taong 2018 at napatunayang nagkasala sa ilalim ng section 39B (1) (a) ng Dangerous Drugs Act.
Isang unanimous na desisyon ang ibinaba ng mga hukom ng Court of Appeal na sina Datuk Azman Abdullah, Datuk Azhahari Kamal Ramli at Datuk Seri Kamaludin ang sentensiya matapos baguhin ang conviction sa ilalim ng 39a (2) ng Dangerous Drugs Act.
Ayon sa abogado ni Jalmani, lumipat sa Malaysia mula sa Pilipinas ang Pinay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang mg anak.
Ayon pa rito, simula nang namatay ang asawa ng Pinay ay ito na ang tumayong ama at ina ng kaniyang siyam na anak.
Kawalan ng sapat na dokumento ang isa rin sa nagtulak kay Jalmani kung kaya’t humantong siya sa punto na nagawa na nitong masangkot sa droga.
Gayunpaman, paalala sa ating mga kababayang Pilipino, iwasang masangkot o gumawa ng anumang transaksiyon na may kinalaman sa ilegal na droga.