PASOK sa final round ng ‘The Voice USA’ ang Pinoy singer na si Sofronio Vasquez!
Ibig sabihin, kasali na siya sa Top 5 ng Season 26 ng naturang show.
Gabi noong Lunes, Disyembre 2, 2024 USA time nang isagawa ang semi-final round ng ‘The Voice USA’ at dito, kinanta ni Vasquez ang ‘If I Can Dream’ ni Elvis Presley.
May duet performance rin siya ng kantang ‘Every Breath You Take’ ng English rock band na The Police kasama ang kapwa contender na si Jeremy Be-Lowt.
Mismong si Sting pa ng The Police ang nag-gitara para sa kanilang duet performance.
Sa kabilang banda, si Sofronio ay naging contestant na sa ‘Tawag ng Tanghalan’, isang segment ng noontime show sa Pilipinas.