UMABOT na sa mahigit P5.6-B ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng nagdaang Bagyong Paeng.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Nobyembre 15 mula sa 1,087 na imprastraktura sa iba’t ibang rehiyon.
Pinakamalaking pinsala ay naitala sa Calabarzon na umabot sa mahigit P1.5-B
Sinundan ito ng Region 5 sa mahigit 793 milyong piso at Cordillera Administrative Region sa mahigit P736-M.
Habang 63,652 kabahayan ang naapektuhan ng bagyo, kung saan 57,397 ang partially damaged at 6,255 ang totally damaged.
Samantala, umabot na sa mahigit P6.3-B ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura.