BUKOD sa bagong online serye, may dalawang pelikulang entry ang aktor na si Piolo Pascual para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ang dalawang pelikula ay ang GOMBURZA na kuwento ng tatlong paring martyr na sina Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
Si Piolo ang gumanap sa papel na si Pedro Pelaez, ang pari na kasama ng paring martyr na nais ibalik ang kontrol ng mga simbahan sa mga Pilipino.
Ang isang pelikula na pinagbibidahan ni Piolo ay ang ‘Mallari’ na isang horror movie na kauna-unahang pelikula ng Warner Bros. sa Pilipinas.