Pitong infra projects, magiging solusyon sa traffic congestion sa Metro Manila–DOTr

Pitong infra projects, magiging solusyon sa traffic congestion sa Metro Manila–DOTr

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magiging susi ang pitong big ticket infrastructure projects para maresolba ang traffic congestion sa Metro Manila.

Ang mga ito ay ang Metro Manila Subway, MRT-7, LRT-1 Cavite Extension, North-South Commuter Railway (NSCR) system, improvement sa EDSA Busway, EDSA Greenways Projects at ang Makati-Taft Mass Transit Station.

Inaasahan namang matapos ang Metro Manila Subway at NSCR System sa taong 2029; ang MRT-7 ay sa 2025 habang ang LRT-1 Cavite extension ay inaasahang magsisimula na bago matapos ang 2024.

Samantala, ang EDSA Greenways Project ay sa 2027 matatapos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter