Planong pagpapakawala ng wastewater ng Japan, paglabag sa internasyonal na obligasyon

Planong pagpapakawala ng wastewater ng Japan, paglabag sa internasyonal na obligasyon

LUMALABAG sa internasyonal na batas at magdudulot ng malaking banta sa mga karagatan sa mundo ang plano ng Japan na maglabas ng kontaminadong tubig mula sa Fukushima Nuclear Power Plant.

Ito ang inihayag ng environmental lawyer na si Totsuka Etsuro sa isang interview sa CCTV kung saan sinabi nito na ang pagpapakawala ng tubig ay labag sa maraming probisyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

“The Article 192 [of The United Nations Convention on the Law of the Sea] says that the state’s parties have the obligation to protect and preserve the marine environment. Discharging nuclear-contaminated water with radioactive substances into the ocean breaches these terms,” saad ni Totsuka Etsuro, Lawyer.

Noong nakaraang taon kasama ni Totsuka ang iba pang environmental lawyer mula sa Japan Federation of Bar Associations at nag-isyu ng pahayag na nananawagan sa gobyerno ng Japan na ikunsidera ang ibang paraan sa pagtatanggal ng nuclear contaminated water at huwag basta-bastang itapon ito sa karagatan.

“The nuclear-contaminated water discharged in the territorial waters of a country will eventually flow into the high seas, and the high seas are the common property of mankind. [Radioactive substances] will accumulate through sea fish, and people will consume these contaminated seafood, not only Japanese but Chinese and South Koreans. People in Pacific Island countries will also be affected. So this is not something that Japan alone can decide,” dagdag ni Etsuro.

Ayon sa mga ulat, plano ng gobyerno ng Japan na magsisimula sa pagpapakawala ng tubig mula sa power plant ngayong buwan ng Agosto.

Matatandaan na taong 2011, ang core ng tatlong reactors ng nuclear power plant ay nagkaroon ng meltdown kasunod ng malawakang pagyanig at tsunami sa bansa.

Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang na 1.25 milyong toneladang nuclear water na naipon sa planta kabilang ang tubig na ginagamit upang palamigin ang reaktor, groundwater at ulan, at ang dami ng tubig na ito ay patuloy pa ring tumataas.

Follow SMNI NEWS on Twitter