Ex-Malaysian PM Mahatir Mohamad, nasa ospital dahil sa infection

Ex-Malaysian PM Mahatir Mohamad, nasa ospital dahil sa infection

NASA ospital si dating Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad, matapos na magkaroon ng infection.

Ito ay inanunsiyo ni Mahatir sa kaniyang official social media account, kung saan makikitang nasa kaniyang hospital ward at pumipirma ng mga documento.

Hindi naman idinetalye kung ano ang partikular na sakit ng dating opisyal, ngunit siniguro naman na hindi ito malala.

Nasa Institute Jantung Negara o National Heart Institute sa Kuala Lumpur si Mahatir at kasalukuyang nagpapagaling.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakaton na naospital ang former Prime Minister dahil marami na rin itong problema sa puso sa mga nakaraang taon at dumanas ng ilang atake sa puso at sumasailalim na rin sa bypass surgery.

Follow SMNI NEWS on Twitter