Plebisito sa Marawi at BARMM, isasagawa sa unang bahagi ng 2024— COMELEC

Plebisito sa Marawi at BARMM, isasagawa sa unang bahagi ng 2024— COMELEC

ISASAGAWA na sa Marso 2024 ang plebisito sa Marawi City.

Para ito sa panukalang pagbuo ng tatlong bagong barangay na Sultan Corobong, Sultan Panoroganan at Angoyao ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ang nabanggit na mga barangay ay mula sa kasalukuyang mga barangay na Dulay Proper, Kilala, at Patani.

Sa Abril 2024 naman isasagawa ang plebisito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Para ito sa panukalang pagbuo ng walong bagong munisipalidad sa rehiyon na Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble