PLtGen. Danao, may babala sa mga raliyista na manggugulo sa inagurasyon ni PBBM

PLtGen. Danao, may babala sa mga raliyista na manggugulo sa inagurasyon ni PBBM

PERSONAL na tinungo at ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Officer In Charge PLtGen. Vicente Danao Jr. ang National Museum, ang lugar kung saan gaganapin ang inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Hunyo 30.

Ayon kay PLtGen. Danao, handa na ang kanilang security plan para sa seguridad sa aabangang inagurasyon ni PBBM.

Dagdag pa ng opisyal, nasa 7,000 mga pulis ang idedeploy sa bisinidad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal.

Binalaan naman ng PNP OIC ang mga magtatangkang manggulong raliyista sa araw ng inagurasyon.

Giit nito, bagamat karapatan ng bawat Pilipino na ipahayag ang kanilang mga sentimyento ay dapat pa ring respetuhin ng mga ito ang inagurasyon ni PBBM.

Binilin din ni Danao sa mga nais dumalo sa inagurasyon ni PBBM na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bagpack at mga covered materials.

Follow SMNI NEWS in Twitter