Plunder complaint vs FPRRD at Sen. Go na isinumite sa Ombudsman, babawiin ng DOJ

Plunder complaint vs FPRRD at Sen. Go na isinumite sa Ombudsman, babawiin ng DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na muli nilang pag-aaralan ang reklamong plunder na inihain laban kina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Sen. Bong Go.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na kakausapin na nila ang Office of the Ombudsman para maibalik sa DOJ ang mga dokumento na naglalaman ng reklamo.

Ipinaliwanag ni Remulla na ibinigay o ipinasa agad kasi ng prosecutor general sa Ombudsman ang plunder complaint kahit na wala pa itong approval mula sa kaniyang tanggapan.

Batay aniya sa panuntunan ay dapat na sumalang muna sa evaluation o pagsusuri ng DOJ ang mga reklamo bago ito iendorso sa ibang mga tanggapan ng pamahalaan.

Magugunitang inireklamo sina Duterte at Go noong Hulyo, kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggawad ng 184 kontrata ng gobyerno sa pamilya ni Sen. Go na nagkakahalaga ng P6.6-B.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble