PM ng Japan, dismayado sa visa suspension ng China sa mga Japanese

PM ng Japan, dismayado sa visa suspension ng China sa mga Japanese

INIHAYAG mismo ng Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida, ang pagkadismaya dahil sa desisyon ng China na suspendihin ang pag-isyu ng visa sa mga Japanese travelers dahil sa paghigpit ng Tokyo sa border controls nito sa mga biyahero galing sa China upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus infections.

Ayon kay Kishida, hindi makatarungan ang implementasyon ng China ng suspensyon ng visa sa mga Japanese dahil wala naman itong kinalaman sa kanilang counter measures laban sa novel coronavirus.

Giit ni Kishida, ipinapatupad nila ang mahigpit na border controls sa mga biyaherong galing sa China upang mapigilan na ang pagkalat pa ng virus sa kanilang bansa.

Samantala, sinabi naman ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na umaasa ang Beijing na tatanggalin na ng mga bansa ang pagpapatupad ng mahigpit na border controls laban sa mga Chinese citizens sa ngalan ng respeto at siyensya.

 

Follow SMNI News on Twitter