PM Prayuth, lilinawin ang plano sa eleksyon sa pagbabalik sa Thailand

PM Prayuth, lilinawin ang plano sa eleksyon sa pagbabalik sa Thailand

LILINAWIN ni Prime Minister Prayut Chan-o-cha ng Thailand ang plano nito sa susunod na eleksyon sa pagbabalik sa Thailand.

Ito ang inihayag ng punong ministro bago umalis para sa pagpupulong sa Brussels.

Sa kabila ng pahayag nito noong nakaraang linggo, nais nitong punuin ang 2 taon na termino matapos ang general election, hindi pa rin naging malinaw kung ano ang plano ng punong ministro.

Mayroong mga espekulasyon na aalis na ito sa partido nitong Palang Pracharath Party na sumuporta sa kanya noong 2019 election at posibleng sumali sa United Thai Nation Party.

Wala namang inihayag ang punong ministro ukol sa bagong tayong partido na ito.

Ayon naman sa survey na isinagawa ng NIDA Poll, lumalabas na ang Pheu Thai Party ang posibleng maging ruling party matapos ang eleksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter