PNP ACG, nakakuha ng dalawang warrant laban sa Facebook at YouTube

PNP ACG, nakakuha ng dalawang warrant laban sa Facebook at YouTube

NAKAKUHA ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ng dalawang warrant to disclose computer data (WCDC) laban sa Facebook at YouTube para matukoy ang operator ng “Usapang Diskarte” page.

Sinasabing nagpo-promote ng sexual exploitation ang naturang page na may 250,000 subscribers/followers na konektado umano sa sexual predators.

Ayon kay PNP ACG spokesperson Police Lieutenant Michelle Sabino, nais nilang ilabas ng Facebook at YouTube ang impormasyon na makatutulong sa paghahain ng reklamo laban sa operator ng page ng Usapang Diskarte.

Inendorso na ng korte sa DOJ Office on Cybercrime ang pagpapatupad ng mga warrant.

Pinuri naman ni ACG Director Police Brigadier General Joel Doria ang kanilang mga tauhan sa pagsisikap na mapanagot ang operator ng Usapang Diskarte.

Hinikayat din nito ang mga may impormasyon o biktima ng nasabing page na lumapit sa ACG.

Follow SMNI NEWS in Twitter