PNP chief, makikipagkita kay PBBM kaugnay sa 18 PNP resigned 3rd level officers

PNP chief, makikipagkita kay PBBM kaugnay sa 18 PNP resigned 3rd level officers

MAKIKIPAGKITA ngayong linggo si Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr., kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito’y upang pag-usapan ang desisyon ng Pangulo sa estado ng 18 resigned PNP third level officers matapos na tanggapin ng Presidente ang pagbibitiw ng mga ito dahil sa isyu sa ilegal na droga.

Sa panayam ng media araw ng Huwebes Hulyo 27 kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, tiniyak nito na hindi matatapos ang linggong ito ay mapag-uusapan ng dalawa ang iba’t ibang isyu sa PNP lalo na sa pagsugpo sa problema ng ilegal na droga sa hanay.

Batay sa pinakahuling impormasyon ng PNP, bukod sa 18 pulis na nagbitiw, umakyat na rin sa 69 na pulis ang nakasuhan ng PNP kaugnay sa nasabat na P6.7-B halaga ng shabu sa Maynila noong 2022.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble