IBINAHAGI ng China ang technique sa Pilipinas hinggil sa pagtatanim ng sibuyas.
Binigyang-diin ni Bongabon, Nueva Ecija Mayor Ricardo Padilla sa panayam ng SMNI News, may iilan pa silang natutunan sa kanilang pagbisita roon.
Aniya, sa China, Nobyembre din sila nagtatanim ng sibuyas at ang ani ay nangyayari sa buwan ng Mayo at Hunyo o pagkatapos ng anim na buwan.
Sa Pilipinas, anihan na pagkatapos ng tatlong buwan.
Ibig sabihin, mas maraming beses nakagpatatanim dito sa bansa.
Ang nakapagtataka lang aniya, kahit mas madalas makapagtatanim, mas marami pa rin ang ani ng China.
Isa rin sa natutunan ni Padilla roon ay sa paraan ng patubig at ang maigting na pag-control ng mga peste sa mga pananim na sibuyas.
Sa huli, payo ng China na magkaroon ng research institute ang Pilipinas na tututok sa pagtatanim ng sibuyas at iba pang uri ng agri-products.