PNP-CIDG at SAF Troopers, bigo sa puwersahang pagpasok sa KOJC compound ni Pastor Quiboloy; Mga bata, na-trauma

PNP-CIDG at SAF Troopers, bigo sa puwersahang pagpasok sa KOJC compound ni Pastor Quiboloy; Mga bata, na-trauma

LIBU-libong manggagawa at mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang matapang na pumigil sa puwersahang pagpasok ng PNP-CIDG at SAF Troopers sa KOJC Compound, Central Headquarters, Davao City kaninang pasado alas 4 ng madaling araw, Hunyo 10 habang sila ay nagsasagawa ng morning devotional prayer.

Nagka-trauma rin ang mga batang menor de edad matapos nagmistulang susuong sa giyera ang kapulisan kung saan naka-full gear, at may mga armas ang mga ito.

Kung tutuusin, pang-aabuso sa karapatang pantao ang ginawa ng kapulisan dahil warrant of arrest ang kanilang bitbit at hindi search warrant.

Follow SMNI NEWS on Twitter