PNP-IAS, papasok sa imbestigasyon vs mga tauhan ng PNP-SAF

PNP-IAS, papasok sa imbestigasyon vs mga tauhan ng PNP-SAF

UMARANGKADA na ang imbestigasyon ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) na sangkot sa “moonlighting” dahil sa pagsisilbing security escort ng isang POGO official.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay, nag-umpisa na ang pre-charge investigation at kasalukuyan na silang nasa dako ng case build up.

Sa sandaling makakalap na sila ng mga kinakailangang ebidensiya, sinabi ni Dulay na magsisimula na sila ng summary dismissal proceedings laban sa mga ito.

Inaasahan aniyang tatagal ng 30 araw ang pagdinig sa sandaling magsimula na ito.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, bukod sa 2 SAF commandos ay sinibak na rin sa puwesto ang 7 higher ups ng mga sangkot na pulis dahil sa iregularidad kaya’t maging sila’y may kinahaharap ding kasong administratibo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter