PNP, makikipagtulungan sa Immigration laban sa umano’y pagdukot sa Chinese POGO workers

PNP, makikipagtulungan sa Immigration laban sa umano’y pagdukot sa Chinese POGO workers

HIHINGI ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa Bureau of Immigration (BI) sa mga sinasabing pagdukot sa mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. nahihirapan silang matunton ang mga sinasabing biktima dahil wala silang record ng pagpasok ng mga ito sa bansa.

Sinabi ni Azurin na makatutulong kung may listahan sila ng mga Chinese na pumapasok sa bansa para magtrabaho.

Gayundin ang mga lehitimong POGO upang mabantayan ito ng mga awtoridad.

Nabatid na pinaigting ng pulisya ang seguridad sa POGO sa Parañaque City, Pasay City at Makati City.

Follow SMNI NEWS in Twitter