PNP, mas paiigtingin ang visibility dahil sa insidente ng pagdukot

PNP, mas paiigtingin ang visibility dahil sa insidente ng pagdukot

MAS paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang visibility ng mga tauhan nito dahil sa insidente ng pagdukot sa mga nakalipas na araw.

Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa panayam ng SMNI News base sa direktiba ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr.

Nilinaw naman ni Fajardo na iba-iba ang dahilan ng pagdukot at pagpatay noong mga nakalipas na araw.

Tiniyak naman ni Fajardo na nasampahan na ng kaso ang suspek sa insidente ng pagdukot at pagpatay sa Bustos, Bulacan.

Ani Fajardo, matibay ang ebidensya laban sa suspek dahil sa positive identification.

Dagdag pa ni Fajardo, nahuli na rin ang suspek sa pagdukot at pagpatay na nangyari sa Malolos, Bulacan.

Nanawagan naman si Fajardo sa mga tanod na mag-ronda sa gabi upang maiwasan ang mga ganitong klaseng insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter