PNP, may babala sa mananalong barangay officials kaugnayan sa ilegal na droga

PNP, may babala sa mananalong barangay officials kaugnayan sa ilegal na droga

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa mga barangay official na mananalo ngayong darating na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sa panayam ng media kay PNP Public Information Office chief PBGen. Redrico Maranan, hindi rin ligtas ang nasabing mga opisyal at maaari din silang matanggal sa serbisyo mula sa mga makukuhang ebidensiya na magdidiin sa kaugnayan nito sa ilegal na droga.

Batay sa pinakahuling datos ng PNP, nangunguna ang Region 6 sa bansa na may pinakamaraming reklamong natanggap laban sa 76 barangay official dahil sa isyu ng ilegal na droga na sinundan ng Region 3 na mayroong 67, Region 5 na mayroong 53 habang 6 naman ang mula sa National Capital Region (NCR).

Paglilinaw ng PNP, posibleng madagdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang monitoring nila sa mga barangay na potensiyal sa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter