IPINANGAKO pa rin ng Philippine National Police (PNP) na hahanapin nila ang mga nawawalang sabungero.
Maging ang pagpapakulong sa mga suspek ng kanilang pagkawala ay nananatiling target ng PNP ayon kay PNP Public Information chief Col. Redrico Maranan.
Nangyari ang pagkawala ng anim na sabungero noong January 13, 2022 sa Manila Arena, Sta. Ana, Manila.
Hinihikayat din ng SITG sabungero ang lahat na sinumang may impormasyon hinggil sa kaso na isiwalat na ito para tulungan ang imbestigasyon.
Sinabi na ni PNP chief Benjamin Acorda, Jr. na hindi sila hihinto hanggang hindi maipalitaw ang katotohanan.