PNP, nilinaw na “misplaced” ngunit walang “nawawalang” case folders

PNP, nilinaw na “misplaced” ngunit walang “nawawalang” case folders

WALANG nawawalang case folders ng mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo.

“Misplaced” lang ito ayon sa paglilinaw ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo kasunod sa sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Jose Nartatez na “missing” ang folders.

Ang lahat na missing na folders ay nakita na at patuloy nang iniimbentaryo ni Nartatez ayon sa PNP spokesperson.

Sa panig ni Nartatez, sinabi nito na walang makasagot sa kaniya nang tanungin ang mga tauhan kung saan ang tinutukoy na case folders kaya’t naideklara itong “missing”.

Dahil dito ay natanggal na rin ang mga pulis na hindi makasagot sa kaniya.

Simula Hulyo 2023 ay naresolba na ng NCRPO ang nasa 800 kasong administratibo laban sa mga tauhan nito at naging sanhi ng pagka-dismiss sa trabaho ng nasa 300.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble