PNP pinag-iingat ang publiko sa mga paglalakbay ngayong Semana Santa 

PNP pinag-iingat ang publiko sa mga paglalakbay ngayong Semana Santa 

NAGPAALALA ang Philippine National Police (PNP) sa publiko lalo na sa mga biyahero pauwi ng kani-kanilang probinsiya na unahin ang kaligtasan sa paglalakbay ngayong Semana Santa.

Inaasahan kasi ang dagsa ng mga tao lalo na sa mga magtutungo sa pilgrimage sites at iba’t ibang destinasyon.

Bukod sa mga mananakay, pinag-iingat din ang mga drayber o nagmamaneho na maging mahinahon sa kalsada para maiwasan ang disgrasya.

Paalala rin ng PNP na sundin ang BLOWBAGETS bago bumiyahe: Brake, Light, Oil, Water, Battery, Air (gulong), Gas, Engine, Toolkit, Sarili (kalagayan ng drayber).

Batay sa datos noong 2023, nakapagtala ang PNP Highway Patrol Group (HPG) ng 19 na insidente ng aksidente sa kalsada sa panahon ng Kwaresma.

Sa 2024, bumaba ito sa 17, na nagpapakita ng positibong trend pero patuloy pa ring kailangan ang pagiging maingat para maiwasan ang aksidente mula sa publiko.

Para naman sa mga commuter, pinapayuhan ang lahat na maging mapagmatyag sa mga terminal at pampublikong lugar, bantayan ang mga gamit, at agad na i-report sa mga nakatalagang pulis sa bus terminals, pantalan, paliparan, at iba pang matataong lugar para tumulong at magbantay ng seguridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble