POGO operator, posibleng sangkot sa human trafficking—Gatchalian

POGO operator, posibleng sangkot sa human trafficking—Gatchalian

POSIBLENG sangkot din sa human trafficking ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ito ang komento ni Senator Sherwin Gatchalian kasunod sa datos na ipinadala ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan umabot sa 113 ang bilang ng POGO-related crimes mula Nobyembre 2019 hanggang Marso 2023.

Habang 65 ang mga kaso ng human trafficking sa 113 na POGO-related cases.

Ayon kay Gatchalian, isang indikasyon lamang ito na nag-o-operate ang organisadong kriminal sa POGO sa bansa.

Ipinunto naman ng senador na hindi dapat payagang magpatuloy ang ganitong krimen sa bansa dahil nakababahala, nakaaalarma, at maaaring magkaroon ng malubhang implikasyon sa pambansang seguridad ng bansa.

Una namang nanawagan si Gatchalian para sa agarang pagsasara ng mga POGO sa bansa upang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan at mapanatili ang paglago ng ekonomiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter