Bagong CEO ng Twitter, handang tumulong sa pagpapaunlad sa social media platform

Bagong CEO ng Twitter, handang tumulong sa pagpapaunlad sa social media platform

HANDANG tumulong ang bagong CEO ng Twitter na si Linda Yaccarino upang mas maging epektibo at umunlad pa ang social media platforms sa pangunguna ng Twitter.

Kamakailan lang nang ibinalitang itinakdang maging susunod na CEO ng Twitter si Yaccarino.

Sa kaniyang Twitter post, inihayag nito na excited na siyang makipagtulungan upang mas mapaganda pa ang nasabing social media platform.

Maliban dito, pinagplaplanuhan nito kasama ang kasalukuyang CEO ng Twitter ang pagbuo ng ‘everything app’ na mag-aalok ng iba’t ibang serbisyo tulad na lamang ng peer-to-peer payments.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter