Police vlogger na naglabas ng sama ng loob sa social media, iniimbestigahan—PNP

Police vlogger na naglabas ng sama ng loob sa social media, iniimbestigahan—PNP

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang malaman kung may nilabag ang isang police na vlogger makaraang maglabas ng sama ng loob sa social media.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo matapos ireklamo ni Police Staff Sergeant Joy lyn Cachin ang reassignment ng kaniyang asawang pulis.

Ayon kay Fajardo, may Grievance Committee ang Pambansang Pulisya kung saan maaaring idulong ng mga pulis ang kanilang hinaing.

Sakali aniyang hindi pa rin kontento ang mga pulis sa aksiyon ng immediate superior ay maaari itong iparating sa mas nakatataas.

Posibleng hindi aniya naunawaan ni Cachin ang kautusan para sa reassignment ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ngayong Oktubre.

Binigyang-diin ni Fajardo na isa pa lamang rekomendasyon ang reassignment at hindi pa naipatutupad ng pulisya.

Follow SMNI NEWS on Twitter