Posibleng pagpapatuloy ng rotational brownout sa Panay at Negros, ikinababahala

Posibleng pagpapatuloy ng rotational brownout sa Panay at Negros, ikinababahala

IKINAALARMA ni Senator Idol Raffy Tulfo ang balitang posible pa ring magpatuloy ang rotational brownout hanggang sa mga susunod na araw sa Panay at Negros.

Ayon kay Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Energy, unang may nagsabi sa kaniya na ang dahilan ng nasabing brownout ay ang line fault or tripping sa mga transmission line ng National Grid Corporation (NGCP).

Pero dagdag ni Tulfo nang makausap niya ang NGCP ay sinisisi naman nito ang Central Negros Electric Cooperative (CENECO).

Ani Tulfo, tinawagan na niya ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) para paimbestigahan ang problema at kung sino talaga ang pinag-ugatan dahil nagtuturuan ang NGCP at CENECO.

Pinayuhan ngayon ni Tulfo ang DOE at ERC, na gumawa ng malalimang imbestigasyon kung ano talaga ang totoong nangyari sa Panay at Negros, at sino ang may pagkukulang para maiwasan na maulit ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter