BAHAGYANG tumaas ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.
Batay sa pinakahuling datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, kasalukuyang tumaas ang positivity rate sa NCR mula sa 3.2% sa 4.4% noong Marso 25, hanggang April 1, 2022.
Habang nanatiling nasa “high” ang positivity rate sa Misamis Oriental na may 27.5% mula sa 27.4%
Bukod sa NCR, ilang probinsiya sa bansa rin ang nakitaan ng pagtaas ng positivity rates kabilang na dito ang Benguet, Camarines Sur, Davao del Sur, Isabela at South Cotabato.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa COVID testing.