PBBM, dadalo sa koronasyon ni King Charles III

PBBM, dadalo sa koronasyon ni King Charles III

KINUMPIRMA mismo ni Ambassador Teodoro Locsin Jr. na nakatakdang dumalo si President Ferdinand R. Marcos, Jr. sa koronasyon ni King Charles III sa Mayo.

Ang koronasyon ni King Charles III at Majesty Queen Consort Camilla ay gaganapin sa Westminster Abey sa Mayo 6 at kokoronahan ito ni Archbishop of Canterbury Justin Welby.

Ayon kay Locsin, sinabi sa kaniya mismo ni Pangulong Marcos na kailangan nitong pumunta sa koronasyon ngunit kailangan nilang magmadali upang umabot sa ASEAN Summit na gaganapin sa May 9-11, sa Indonesia.

Ani Locsin, magkakilala si Pangulong Marcos at ang Hari dahil sa madalas itong maglaro ng polo nang magkasama dati.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter