NILINAW ng Palasyo ng Malacañang na hindi pa nabakunahan ng pangalawang dose si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni Presidential Security Group Commander Brig. Gen. Jesus Durante III na fully vaccinated na si Pangulong Duterte.
Nabanggit ni Gen. Durante ito sa isang interview matapos siya masabihan ng maling impormasyon ng medical staff nito.
Humingi naman ng tawad si Durante sa pagkakamaling ito.
Matatandaang, nabakunahan ng Sinopharm vaccine mula sa China ang pangulo noong Mayo 3.