NANAWAGAN ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na maging responsable sa paggamit ng emergency hotlines.
Kasunod ito sa natanggap nilang tawag nitong Agosto 14 kung saan mula sa mahigit 2,300 tawag ay higit 1,000 dito ay prank calls.
Ayon sa PRC, dapat na panatilihing bukas ang linya upang mabigyang daan ang lehitimong emergency.
Binigyang-diin pa rito na may mga tawag na hindi natatanggap dahil sa iresponsableng paggamit ng nasabing hotline.