NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa pinal na basehan ng registration status ng botante ang precinct finder.
Ito ay matapos marami ang nababahala dahil hindi nila nahanap ang kanilang pangalan sa nasabing online searching engine ng mga botante.
Ayon kay Commissioner George Garcia, walang dapat ikabahala ang mga tao hinggil dito.
Aniya, isa lamang ito sa pamamaraan ang precinct finder para makita ng isang botante ang kanyang status at saan siya boboto.
Dagdag pa ni Garcia, ang voter’s information sheets ang pinaka-accurate na basehan.
Sinabi rin ni Garcia na wala ring dapat ipag-alala ang mga botante na may bago ng polling place.
Ani Garcia, ito ay dahil sa hiling ng Department of Education dahil pwedeng hindi available iyong dating polling place.
Binigyan din ng instruction ng COMELEC ang mga lokal na opisina ng COMELEC na i-notify ang mga botante na may bago ng polling places.