Presensiya ng isang barko sa Escoda Shoal, para protektahan ang soberaniya ng bansa—PCG

Presensiya ng isang barko sa Escoda Shoal, para protektahan ang soberaniya ng bansa—PCG

LAYUNIN ang protektahan ang soberaniya at para tugisin ang mga ilegal na pangingisda kung bakit inilagay ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Layunin ang protektahan ang soberaniya at para tugisin ang mga ilegal na pangingisda.

Ito ang paliwanag ni West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela hinggil sa dahilan kung bakit inilagay ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Hindi aniya ito paraan para lumala pa ang tensiyon ng Pilipinas at China sa WPS.

Tugon na rin ito sa pagprotesta ng China kaugnay sa presensiya ng barko sa Escoda Shoal.

Ang Escoda Shoal ay isang coral reef formation, 70 nautical miles mula sa Mainland Palawan.

Subalit ang Escoda Shoal ay saklaw naman sa exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at may karapatan ang Philippine Coast Guard na mag-operate dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble