Presensiya ng US Navy sa WPS, kinuwestiyon ni Sen. Padillla

Presensiya ng US Navy sa WPS, kinuwestiyon ni Sen. Padillla

IKINABAHALA ni Senator Robin Padilla ang presensiya ng US Navy na nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

“Sagutin niyo po. Simple lang naman po ang tanong ko Chairman, inaamin po ba natin na hindi natin kaya? At kailangan natin doon ang US Navy paikot-ikot?” tanong ni Sen. Robin Padilla.

Sa gitna nang lumalalang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China ay kinuwestiyon ni Sen. Padilla ang presensiya ng US Navy na pagpapatrolya sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Sa pagdinig ng Senado sa pambansang budget ng Department of Defense (DND) ay inamin ng ahensiya ang presensiya ng Poseidon Aircraft.

Dito ipinaliwanag ni Padilla na tama lang na itapat ang Philippine Coast Guard (PCG) sa coast guard ng China na nagpapatrolya rin sa WPS, pero ipinunto naman ng mambabatas na ang isang Sandatahang Lakas ay lumalabas lamang sa panahon ng giyera.

Babala ng senador na nalalala ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa kung ang armadong US Navy ang itatapat sa Chinese Coast Guard na isang civilian agency lamang.

“Buong mundo may coast guard. Sila ang nagpupulis ng dagat. Ang Armed Forces ay anjan lamang pag giyera na. ‘Wag nating ibahin eh, hindi naman kayo ang re-respond. Nangyari na po ‘yan sa Scarborough Shoal sa panahon ng administrasyon dati. Alam naman po natin ang nangyari jan. ‘Nung naglabas ng grey ship, naglabas na rin ng grey ship ang China, kaya nga nagkaroon ng standoff jan eh,” dagdag ni Padilla.

Matatandaan na sa nakaraang mga araw ay matagumpay ang naging resupply mission para sa BRP Sierra Madre na naka estasyon sa WPS.

Naroon ang presensiya ng Estados Unidos sa panahon na ‘yun pero ipinunto ni DND Undersecretary Ignacio Madriaga na may kapasidad ang bansa na magtagumay sa resupply mission kahit wala ang tulong ng Estados Unidos.

Yung presensiya ng Amerikano doon is tulong lamang sa maritime domain awareness. Parang mayroong eye in the sky na nanonood ng buong pangyayari.”

“Sir wala po tayong inaamin at hindi po tayo aamin na hindi natin kaya ang trabaho. Ke merong Amerikano o sinumang bansa, kaya po ng Philippine Navy, kaya po ng Philippine Coast Guard, di po tayo susuko jan,” ayon kay Usec. Ignacio Madriaga, DND.

Ang ikinababahala ni Sen. Padilla ay suportado naman ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Iginiit ni Sen. Bato na dapat hindi mabigyan ng ibang kahulugan ang ginagawang patrol operations ng Pilipinas kasama ang US Navy sa WPS na agresibo sa mata ng Tsina.

“At alam natin that it is a universally accepted concept na ‘yung coast guard talaga is not part of the military. Kasi mahirap kung magbigay tayo ng grey area for them to misinterpret, over interpret, under interpret. Naka mamaya jan magsimula ang problema natin…. Not the grey ships of the navy,” ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

“Kaya ang gusto ko lamang idiin, okay kaibigan natin ang Kano, anjan sila, maraming salamat. Pero ‘wag naman po tayong ibala…. Ibinala lang tayo ng ibang nasyon,” ani Padilla.

Sa huli ay ipinunto ni Sen. Bato na hindi mahalaga kung pro-US o pro-China ang bansa.

Sakaling magkaroon ng digmaan ay dapat siguradong nakahanda rito ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble