Presensya ng mga OFW sa Middle East, ‘plus factor’ sa paghikayat ng Arab investors –PBBM

Presensya ng mga OFW sa Middle East, ‘plus factor’ sa paghikayat ng Arab investors –PBBM

POSITIBO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maaaring gamitin ng Pilipinas ang malakas na presensya ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan upang makalikom ng investments mula sa Arab countries na magsisilbing bagong destinasyon ng pamumuhunan.

Sa question and answer session ng Open Forum sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland, tinanong si Pangulong Marcos kung paano niya nakikita ang posibleng pakikipag-ugnayan sa mga bansa sa Gulf, na ngayon ay isinasaalang-alang ang Southeast Asia bilang isang bagong lokasyon para sa mga pamumuhunan.

Sa kanyang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos na ang anumang malalaking capital intensive investment ay malugod na tinatanggap sa Pilipinas sa ngayon.

Ang Pilipinas, ani Pangulong Marcos, ay may napakagandang pundasyon pagdating sa relasyon sa Gulf Countries dahil sa malaking konsentrasyon ng mga OFW sa Middle East.

Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos na kailangang mabawi ng Timog-Silangang Asya ang posisyon nito bago ang COVID-19 pandemic kung saan naitatalang isang mabilis na lumalagong ekonomiya ang rehiyon.

 

 

Follow SMNI News on Twitter