IGINIIT ni French President Emmanuel Macron na hindi maaaring makita ang isang Russian flag sa 2024 Paris Olympics Games.
Ito’y dahil aniya sa digmaang nangyayari sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Bagama’t sinasabi ni Macron na hindi ang host country ang magdedesisyon hinggil dito, naniniwala siyang papanigan siya ng International Olympic Committee (IOC).
Ilang sports events nang hindi nakakasali ang Russia maging ang kaalyado nitong Belarus.
Pinapayagan lang ng IOC na makapaglaro ang isang atleta mula sa Russia at Belarus sa ilalim ng neutral flag at bilang isang indibidwal na napatunayang hindi sumusuporta sa anumang panig sa nangyayaring Russia-Ukraine War.