Presyo ng mga pagkain sa Japan, patuloy na tumataas

Presyo ng mga pagkain sa Japan, patuloy na tumataas

SA pagpasok ng buwan ng Hulyo, inaaasahan na nang Japan na patuloy na tataas ang presyo ng mga bilihin sa bansa dahil sa pagbagsak ng halaga ng yen.

Subalit hindi nila inaakala na mas tataas pa ng limampung porsyento ang pagtaas ng presyo ng 400 uri ng pagkain kabilang na ang mga imported na prutas at iba pang mga angkat na pagkain.

Tulad na lamang sa cocoa beans at coffee beans, dahil sa dobleng pagtaas ng presyo nito ay halos dumoble rin ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain at inumin na ginagamitan ng kape at cocoa.

Kasabay nito, mabilis ding tumaas ang presyo ng saging na inangkat pa mula sa Timog-Silangang Asya, kung saan limang taon ang itinaas sa presyo ang pinya ay umabot na sa pinakamataas na halaga.

Ayon sa ulat ng Japanese media Nikkei, patuloy pa ring bumababa ang halaga ng Japanese yen laban sa U.S dollar hanggang ngayon.

Ang isang US dollar ay katumbas sa ngayon ng nasa 161 Japanese yen.

Follow SMNI NEWS on Twitter