Presyo ng produktong petrolyo, may panibagong pagtaas simula ngayong araw

Presyo ng produktong petrolyo, may panibagong pagtaas simula ngayong araw

MULING tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong araw ng Martes Agosto 29.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil, at Caltex, tataas ng 30 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang 70 sentimos ang dagdag-presyo sa diesel at 80 sentimos naman sa kerosene.

May kaparehong taas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel.

Epektibo ang naturang oil price adjustment ng alas-sais ng umaga maliban sa Caltex na kaninang alas-dose uno ng hatinggabi nagpatupad at Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble