UMALIS patungong Paris si Prime Minister Han Duck Soo para suportahan ang bid ng South Korea na mag-host ng 2030 World Expo sa Southern Port City ng Busan.
Si Han ay dadalo sa ika-171 general assembly ng Bureau International Des Expositions, isang intergovernmental body na in charge sa pag-oversee ng expo.
Sa assembly, si Han ay nakatakdang magpakita ng presentasyon na naglalarawan ng vision ng gobyerno na mag-host ng expo sa Busan at makatulong na maggawa ng solusyon sa ilang pagsubok gaya ng climate change, technological gaps at inequality.
Mula sa Paris, si Han ay didiretso sa Mozambique para sa dalawang araw na pagbisita.
Magsasagawa rin ito ng official visit sa Ghana sa loob ng tatlong araw simula Huwebes.
Inaasahan na sa pagbisita sa dalawang Aprikanong bansa ay isusulong pa rin ng punong ministro ang bid ng south Korea na mag-host ng 2030 World Expo.