HAHARAP sa high court ng London ngayong linggo si Prince Harry.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang siglo na isang miyembro ng British Royal Family ang magdadala ng ilang ebidensiya sa korte para sa isang kaso.
Ang naturang kaso ay laban sa Mirror Group Newspapers.
Sinasabing ang publisher na ito ay sangkot sa mga ilegal na aktibidad gaya ng phone hacking at iba pa para makakuha lang ng kuwento tungkol sa kaniya.
Noong March ay humarap din sa korte si Prince Harry dahil rin sa umano’y privacy issue naman na kinasasangkutan ng Associated Newspapers (ANL) at ng Daily Mail.