Problema ng insurhensiya sa North Luzon, tatapusin sa pamamagitan ng mga serbisyo ng pamahalaan

Problema ng insurhensiya sa North Luzon, tatapusin sa pamamagitan ng mga serbisyo ng pamahalaan

NAG-IISIP na ng bagong paraan ang pamunuan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Northern Luzon Command (NolCom) kung papaano tatapusin ang problema ng insurhensiya sa bansa.

Kahapon, Marso 8, muling nagkita-kita ang mga kinatawan  ng NICA  at NolCom para sa mas malawak, pinaigting at pinalakas na kampanya laban sa rebeldeng miyembro ng CPP-NPA-NDF  sa nasabing rehiyon.

“Since ang area ng North Luzon Command ay karamihan ay nagdeclare na ng persona-non-grata, so, ibig pong sabihin ang mga komunidad hanggang sa mga barangay ay ayaw na dito sa armadong grupo na ito. Napakalaking bagay na ang pagkakaisa ng NICA at Armed Forces at mga partner natin sa baba  na magkaisa upang agad pong matukoy ang mga specific na mga character ng mga natitira pang grupo,” pahayag ni LtC. Elmar L. Salvador (INF) Philippine Army.

Bukod sa military operations, iginiit ni  NoLCom Commander Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. katuwang ang iba pang  NolCom Triad staff, joint task forces, joint task groups, battalions, at mga kinatawan ng NICA ng Region 1, 2, 3, at Cordillera Administrative Region (CAR) na hindi lang aniya sa pakikipaglaban gamit ang armas ang solusyon ng kapayapaan at maayos na komunidad kundi ang mailapit sa mga apektadong grupo ang serbisyo ng gobyerno para sa kanila.

“Harmonize the efforts and optimize information operations. We must bring to their (CTGs) consciousness that the government has initiated good programs for those who are willing to return to the fold of the law,”wika ni LtGen. Torres.

“Napakalaking bagay talaga yung NTF-ELCAC natin, ito pong programa kung saan ang iba’t-ibang ahensiya ay nagkaisa, nagtulong-tulong, nagbayanihan upang mapuntahan itong mga liblib na mga barangay upang malamang yung mga issues and propaganda na ginagamit upang sila ay malinlang at ma-recruit,” ani Salvador.

 “Tuloy-tuloy sana yung programa ng NTF-ELCAC lalo na po yung Bayanihan Development Projects kung saan mismong barangay, kung saan apektado, o kaya ay may impluwensiya dati ng makakaliwang grupo ay talagang sa kanila napupunta yung pondo upang magkaroon ng napakagandang projects lalong-lalo na yung mga farm to market roads, mga infrastructures sa loob ng barangay, napakaganda pong programang ito,” dagdag nito.

Sa huling pagkakataon bago ang pagtatapos ng Duterte Administration nangako ang militar at mga katuwang na ahensiya na matatapos ang problema ng insurhensiya sa  malaking bahagi ng Luzon sa lalong madaling panahon.

“Ang isa pong senaryo na talagang titindig ang balahibo natin ay yung ito pa pong natitirang remnants ng mga grupo na ito ay talagang mamulat at magsibaba at isurrender ang kanilang mga armas at magbalik-loob sa ating gobyerno at lahat sila ay magsisuko. Yun po yung hinihintay natin na pagkakataon…para po tuloy-tuloy ang pag-unlad ng ating lipunan,” ani Salvador.

 

Follow SMNI News on Twitter