Problema sa pila sa NAIA, posibleng makaapekto sa sektor ng turismo—Mambabatas

Problema sa pila sa NAIA, posibleng makaapekto sa sektor ng turismo—Mambabatas

SUPORTADO ng isang mambabatas ang paglalaan ng bagong pondo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mapabilis ang serbisyo nito.

Ayon sa isang pag-aaral, ang NAIA ay nasa ikawalong puwesto sa listahan ng ‘worst airports’ pagdating sa mga oras ng pila sa Asya.

“Alam mo di ba, kasabihan natin pag may biyahe tayo ay kailangan dumating na sa airport at least 3 hours bago ‘yung flight mo. So, naranasan ko yan maraming beses na rin at alam ko kayo rin naranasan niyo ng maraming beses na rin yan,” saad ni Cong. Eric Martinez, Vice Chairperson, House Committee on Appropriations.

Isa lamang si Valenzuela City, 2nd District Rep. Eric Martinez sa mga nakaranas ng mahabang pila sa NAIA.

Ayon sa pag-aaral ng Casago, isang international vacation rental company, kabilang ang NAIA sa “worst airports” sa mundo dahil sa mahabang pila na kailangang tiisin ng mga pasahero.

Ayon sa mambabatas, kung maaari ay hindi lalampas sa 30 minuto ang oras sa pila ng mga pasahero sa naturang pandaigdigang paliparan.

“Ideally, dapat pagbaba mo papasok ng airport up to the time na maka-upo ka doon sa dulo para hintayin mo na lang yung flight mo, I think dapat 30 minutes lang ang queueing period diyan, ‘yung pag-pila or pag galing ka naman sa eroplano, pagbaba mo sa eroplano hanggang makalabas ka ng airport dala mo na ang bagahe mo at least 30 minutes or less of course ang hinihintay natin para maka, matapos lahat ng proseso na ‘to. It all boils down to simple. The system should be simple. It should have with speed and with utmost service,” dagdag ni Martinez.

Nangangamba ang mambabatas sa posibleng epekto ng problema sa NAIA sa sektor ng turismo ng bansa. Malaking hamon aniya ang naturang pag-aaral para mapabilis ang serbisyo nito.

“Siyempre malaki ang implikasyon sa tourism arrivals natin and the impression that it would create again kung hindi natin mababago. We are in the rebound hopefully we sustain the momentum of the tourism arrivals. Kaya integral part ng tourism natin ‘yung improvement ng NAIA airport at yung iba pa nating airports, Clark, Cebu and other airports,” ayon pa kay Martinez.

Bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations, suportado ng mambabatas ang pagtatalaga ng bagong pondo para sa NAIA upang mapabilis ang serbisyo nito.

Una nang sinabi ni Makati City 2nd District Rep. Luis Campos, ang vice chairman ng House Committee on Appropriations, na inaasahang tatanggap ng bagong pondo ang naia na nagkakahalaga ng P2.8-B sa susunod na taon mula sa P5.7-T National Expenditure Program (NEP) sa 2024.

“Pero kung ito ay para makatulong mapabilis ang serbisyo ng NAIA, we will welcome to support this appropriations. Kung kulang pa, hopefully madagdagan pa natin. Pero ang main na trust dapat ‘yung pagpapabilis, speed and the safety of course of the travelling public. Mapabilis ‘yung pag-alis, mapabilis ng mawalan ng pila, mapabilis ang paglabas ng airport at maging safe ang ating mga mambabyahe dahil sa pandagdag sa pondo natin susuportahan natin yan,” ani Martinez.

Dagdag pa mambabatas na napapanahon na rin ang pag-modernize sa mga kagamitan ng pandaigdigang paliparan ng bansa.

“Modernization of our equipment, una ‘yan. Para ‘yung flight delays at tsaka ‘yung scheduling maayos at siyempre ‘yung technology, we have to bring in technology in the same way na nakikita nating technology sa ibang bansa. You always think about Singapore, you think about Dubai Airport, Hong Kong airport and other modern airports. So, I think those technologies should be brought into NAIA kasi kung ano ang meron sila dapat ‘yun din ang meron ang NAIA at this time dahil travelling is a hassle-free work dapat at that technology should be put into work,” pagwawakas ni Martinez.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble