MAGKAKAROON ng music comeback ang Pinay veteran singer na si Zsa Zsa Padilla.
Sa Instagram post nito, makikita ang mga larawan na nagre-record na ito ng mga kanta.
Sa ngayon ay hindi pa inanunsiyo kung kailan ipalalabas ang mga bagong OPM songs ng Pinay veteran.
Huling nag-release ng kanta si Padilla noong taong 2015.
Sikat si Padilla sa mga kanta nito gaya ng “Hiram”, “Mambobola”, at “Ikaw Lamang”.