Proklamasyon ni dating COMELEC Comm. Guanzon na substitute bilang kinatawan ng P3PWD Partylist, kinatigan ng COMELEC

Proklamasyon ni dating COMELEC Comm. Guanzon na substitute bilang kinatawan ng P3PWD Partylist, kinatigan ng COMELEC

KINUMPIRMA ng Commission on Elections (COMELEC ) na ibinasura na nito ang petisyon ng Duterte Youth Partylist laban sa pagpapalit ng mga nominees ng P3PWD Partylist.

Kaugnay nito ay kinatigan at pinagtibay pa ng Comelec En Banc ang rekomendasyon ng law department na nagsasaad na ang petisyon laban sa substitution ay dapat isinagawa noon pang bago idinaos ang eleksyon.

Ang substitution aniya ng P3PWD ay batay rin sa naging desisyon ng COMELEC noong 2019 kung saan pinayagan ang pag-atras at pagpapalit ng mga kinatawan ng Duterte Youth Partylist.

Ipinaliwanag pa ng COMELEC na dumaan sa tamang proseso ang bagong listahan ng mga nominado ng Partylist noong Hunyo 15.

Samantala sinabi ni COMELEC spokesman Atty. John Rex Laudiangco na kasalukuyan nang pinaiikot sa mga commissioners ang resolusyon para malagdaan na ang certificate of proclamation ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na nagsubsitute sa P3PWD Partylist.

Kaugnay nito ay ipinasusumite na rin ang naturang sertipikasyon sa Secretary General ng Kamara.

Follow SMNI NEWS in Twitter