Proper internet etiquette sa mga kabataan, hiniling ni Albert Martinez

Proper internet etiquette sa mga kabataan, hiniling ni Albert Martinez

HINILING ni Filipino actor Albert Martinez sa mga magulang na turuan ng wastong etika ang mga kabataan hinggil sa paggamit ng internet at gadgets.

Ayon sa veteran actor, dapat may limitasyon ang paggamit ng social media at hindi lahat ay dapat i-post lalo na kung may galit o hinanakit ang isang tao.

Dagdag pa dito, ipinahayag din ng aktor ang kaniyang discomfort sa mga babaeng naka-bikini sa social media kahit wala sa lugar.

Sinabi ni Albert na hindi siya kumportable dito dahil mayroon siyang mga anak na babae.

Si Albert ay kilala sa pagiging aktor, direktor at producer, kilala rin ito sa kaniyang mga sikat na pelikulang “Rosario”, “Rizal in Dapitan”, “Segurista” at “Iron Heart”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter