Proyekto ng DOH para sa mga may HIV-AIDS, nagpapatuloy

Proyekto ng DOH para sa mga may HIV-AIDS, nagpapatuloy

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na tuluy-tuloy ang kanilang aksyon at programa sa pagtulong sa mga pasyenteng may HIV at AIDS na nakararanas ng diskriminasyon at nalalabag ang karapatang pantao.

Sinabi ni DOH OIC  Usec. Maria Rosario Vergeire na katunayan ay mas pinaigting pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga human rights advocates at sa mga abogado para makatuwang sa proyekto.

Sinabi pa ni Vergeire na batay aniya sa nakausap nilang mga legal practitioners ay paglabag sa Republic Act 11166 o sa Philippine HIV and AIDS Policy Act ang diskriminasyon sa mga HIV-AIDS carriers.

Nilinaw naman at pinaalalahanan pa ni Vergeire ang publiko na ang HIV ay maaari namang maiwasan at makontrol.

Sa kasalukuyan aniya ay marami nang may HIV ang namumuhay na nang normal at ang iba ay nakabuo na ng pamilya kaya dapat aniya silang tanggapin bilang mga produktibong mamamayan sa ating lipunan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter