SA kanyang speech sa inauguration ceremony ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ay nagbalik-tanaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung paano niya hinarap ang naglalakihang pangalan sa bansa na nakitaan niya ng iregularidad.
Sila yung mga malalaking negosyante sa Pilipinas na may hawak sa mga naglalakihang korporasyon.
Unang binalikan ng Pangulo kung paano niya pinitik ang water concession agreement sa pagitan ng Maynilad at Manila Water sa pamahalaan.
Galit na galit dito si Pangulong Duterte nang malaman ang labis na paniningil ng dalawang kumpanya.
Nagngitngit din ang Pangulo dahil kahit water distributor lamang ang dalawang kumpanya ay sila pa umano ang nagdidikta kung kailan magtataas ng water rate.
At kung malugi, sa mga kunsumante rin daw ipapatong ang charge.
Binalikan din ni Pangulong Duterte ang pagpapasara sa ABS-CBN na tinawag niyang ‘kawatan’.
Ayon kay Pangulong Duterte, iyon na ang huling political speech na kanyang gagawin.