Pagpapa-shutdown ng SEC sa Rappler, hindi pagsikil sa ‘press freedom’ – Gadon

Pagpapa-shutdown ng SEC sa Rappler, hindi pagsikil sa ‘press freedom’ – Gadon

HINDI pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag o press freedom ang paggiit ng Securities and Exchange Commission (SEC) na mapahinto ang operasyon ng least trusted media sa bansa na Rappler.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, maraming mga media organizations ang pinapayagan sa ilalim ng batas at konstitusyon na makapag-operate at makagawa ng kanilang tungkulin.

Giit pa ng abogado, lumabag sa batas ang Rappler matapos mapag-alaman na banyaga ang nagmamay-ari nito batay sa pagsasaliksik ng SEC.

Kahapon ay muling naglabas ng kautusan ang SEC na revoked na o binabawi na nila and Certificates of Incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation dahil sa paglabag sa ‘constitutional and statutory restrictions’ hinggil sa foreign ownership sa mass media.

Follow SMNI NEWS in Twitter