PRRD, umaasang paglalaanan ng mga infrastracture projects ng susunod na Pangulo ang Davao City

UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na paglalaanan ng mga infrastracture projects ng susunod na administrasyon ang Davao City.

Matatandang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga opisyales na huwag unahin ang Davao City sa paglalaanan ng mga pondo para sa proyekto ng pamahalaan.

Ngayon ay umaasa si Pangulong Duterte na pagtutuunan ng susunod na Pangulo ang pagpapatayo ng mga proyekto sa lungsod.

‘’Alam kong masakit loob ninyo…huwag niyo masyadong dibdibin,’’ayon kay Pangulong Duterte.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Duterte sa mga taga-Davao City sa kaniyang Talk to the people kagabi.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya ito ipinarayoridad ngayong administrasyon ang mga infrastracture projects sa Davao City batay na rin sa utos niya sa kanilang unang cabinet meeting.

Giit sa Pangulo, ito ang dahilan kung bakit nananatiling masikip at maliit ang Davao International Airport kung ikukumpara sa mga paliparan ng ibang lalawigan at rehiyon.

Sa kabila nito, humingi ng pasensiya ang pangulo sa mga kababayan nito sa Davao.

SMNI NEWS