MAAARI nang magpaturok ng bivalent vaccine laban sa COVID-19 ang publiko.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, available na para sa general population ang naturang bakuna.
Matatandaan na ginawang prayoridad para sa naturang bakuna ang mga health worker at senior citizen.
Pero dahil mabagal ang uptake nito at malapit na ang ‘extended shelf life’ ng bakuna kaya ginawa na itong available para sa general population.
Napag-alaman na ngayong Agosto 31 ang extended shelf life ng bivalent vaccine na nag-expire na noong Hulyo 31.
Tinatayang nasa mahigit 390,000 bivalent vaccine doses ang ibinigay ng bansang Lithuania sa Pilipinas noong Hunyo.